Ang Museo ni Marcelo H. del Pilar na maaring mabisita sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas, bayan ng Bulakan ay isa sa mga natatanging yaman ng bayan sapagkat dito masasaksihan o matutunan ang mga inihandog ni Marcelo H. del Pilar sa bayan. Isa na rito ang pagpapabatid ng mga reporma na ninanais noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at ang mga adhikain na nakadulog sa pagpapalaya ng kaisipan ng Filipino, at kalaunan…sa paglaya ng bansang Pilipinas.
Ilan sa mga makasaysayang bagay na makikita sa museo ay ang La Solidarridad at mga ilang impormasyon tungkol kay Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Graciano Lopez-Jaena, at Jose Rizal. Ang museo ni Marcelo H. del Pilar ay mayroong limang galleries: Remembering Plaridel, Marcelo's Bulacan, The Making of Plaridel, Seven Years Away from Home at Back in the Motherland.
Ito ay bukas sa publiko mula Martes hanggang Linggo, 8:00 am - 4:00 pm. Subalit ng dahil sa pandemya ang Museo ni Marcelo H. del Pilar ay sarado muna sa publiko alinsunod sa ipinaiiral na health protocol.
No comments:
Post a Comment