[Drawing] Joseph Estrada


Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.

Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998.

Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Sa 24 kandidato para sa senado, si Estrada ang ika-16 kandidatong may pinakamataas na boto.

Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”.

Bilang senador, bumoto siyang tapusin na ang Kasunduang baseng militar ng Estados Unidos at Pilipinas na nagresulta sa pag-alis ng mga Amerikanong servicemen sa Clark Air Base sa Pampanga at Subic Naval Base sa Zambales.

Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Pangalawang Panguluhan noong 1992. Siya ay nagwaging pangalawang pangulo ngunit ang kanyang running mate na si Danding Cojuangco ay natalo sa pagkapangulo kay Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. Ang kanyang islogan sa kanyang panganampanya ang "Erap Para sa Mahirap". Sa kanyang talumpati sa inaugurasyon noong 30 Hunyo 1998, isinaad ni Estrada:


Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.


 

No comments:

Post a Comment