[Collage] Mga akda ni Marcelo Del Pilar


Noong 1882 ay isa siya sa nagtatag ng Diariong Tagalog na unang pahayagang nalimbag sa dalawang wika. Dito isinulat niya ang maraming propaganda laban sa mga kaaway.

Nang pangunahan niya ang maraming demonstrasyong humihingi ng pagpapatalsik sa mga prayleng Kastila ay pinaghanap siya ng mga awtoridad. Ito ang naging dahilan upang lumabas siya sa Pilipinas. Bago umalis ay itinatag niya ang Junta de Programa na nagpapalawak sa pandaigdigang propaganda.

Espanya ang pinuntahan ni Marcelo. Namalagi siya sa Madrid kung saan pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad.

Upang hindi matunton ninuman, ilan sa mga tagong pangalang ginamit ni Marcelo ang mga sumusunod: Plaridel, Siling Labuyo at Dolores Manapat.

Ilan sa mga nakapagpababa ng tingin sa pamahalaang Espanya at sa mga prayleng Espanyol ay mga akda ni Marcelo sa Tagalog at Espanyol. Kabilang dito ang La Soberanía Monacal en Filipinas, Caiigat Cayó, Dasalan at Tocsohan, Pasióng Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa, Sagót ng España sa Hibíc ng Filipinas at Ang Cadaquilaan nang Dios.

Nagkahirap-hirap si Marcelo sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. Sa patung-patong na gawain sa opisina ay laging napupuyat ang manunulat. Malaking suliranin sa kanya na walang tulong pinansiyal na dumarating mula sa Pilipinas. May panahong hindi siya kumakain. May panahong hindi siya natutulog. Upang makalimutan ang gutom, may pagkakataong namumulot na siya ng nahitit na sigarilyo sa mga kalye.

Namatay si Marcelo sa sakit na tuberkulosis sa Barcelona noong Hulyo 4, 1896.

Piping saksi ang La Solidaridad sa matapat at dakilang pagmamahal sa bayan ni Marcelo Hilario del Pilar.

No comments:

Post a Comment